sadyang napakahiwaga ng buhay! punong-puno ng mga kaaya-aya at kabugtot-bugtot na mga pangyayari… mga pangyayaring inaasahan at di inaasahan sa buhay. minsan akala natin masaya na tayo at kuntento na sa ating buhay… ngunit dumarating tayo sa punto ng ating buhay na ang ginusto pala natin noon ay ayaw na natin ngayon… minsan yung mga bagay na pinangarap natin ay kabaliktaran na ng ating pangarap ngayon… at minsan ang mga taong akala nating makakatulong sa ating pag-ahon ay sya pala ang dahilan kung bakit tyo lugmok sa kahirapan at pasakit sa buhay…
minsan, nagtataka na ako… nagtataka kung bakit maraming mga pangyayari sa buhay natin ang dumarating ng hindi naman natin inaasahan… mga pangyayaring nakapag-papagulo sa pangkasalukuyan nating buhay… at may mga taong nadadamay dahil sa mga pangyayaring hindi naman nating ginustong magyari. at madalas sa atin ang bato ng SISI.
… ang madalas kong tanong, kailan ba nagiging tamang piliin ang TAMA kahit alam nating hindi ito makapagdudulot ng kaligayahan sa ating buhay. o tama bang piliin natin ang MALI ngunit sa pagpili nito ay kaakibat ang kaligayahan pinapangarap o inaasam-asam natin… AKO? sa ngayon, hirap sabihin kung ano ba ang tama… kung ano ba ang dapat piliin… sapagkat hindi pa ako handang mabigong muli, at pakiramdam ko puno ng mga tinik ang aking dinaraanan… ngunit heto ako’t lumalaban pa rin… pinipilit pa ring tumayo khit sa ngayon ay… nasusugatan at nadarapa pa rin pa minsan-minsan. sabi nga nila, walang perpekto…
marahil, sa puntong ito, dapat lang na maging handa ang bawat isa sa mga maaaring mangyari sa ating buhay. dapat yatang matuto at turuan natin ang ating isipan at puso na tanggapin ang mga bagay bagay na dumarating sa ating buhay, be it… favorable or not…
PUSO ba o ISIPAN?
IKAW ang makakasagot sa tanong na ito. sapagkat ikaw mismo ang nakababatid kung ano ba ang TAMA o MALI para sayo. puso nga ba o ang isipan… ‘wag mo nang pahirapan pa ang iyong sarili. ang maipapayo ko lang, yun ay kung nais at kaya mo, maging matatag, ‘wag intindihin ang mga sasabihin ng mga ibang tao, bagkus isipin ang sariling kapakanan, hangga’t hindi ka nakaka apak ng ibang tao… IPAGPATULOY at GAWIN ang makakapagpaLIGAYA sayo… un ang mahalaga… isa lng ang buhay, nasasayo kung gusto mong gawing MASAYA o MALUNGKOT… habang ikaw ay nabubuhay dito sa mundong puno ng MISTERYO!